DUMBO...

ABOUT

LINKS

SEARCH
DUMBO...
PHOTO SET
∴ REBLOG

Librong Fil 11

By Lance Mangune

Picture Gallery

Inspired by the galleries in the Old Rizal Lib ADMU

Comments
VIDEO
∴ REBLOG

Unang Baboy sa Langit (fan made trailer)

Fil Blog

Disclaimer: I am not affiliated with the writer or director of this play. This is simply for educational purposes.

Comments

Lance’s Original Pickup Lines

inspired by Fil 11.

  1. Hindi ka talaga sining, dahil kahit kailan, hindi magbabago ang paningin ko sayo.
  2. Bugtong ka ba? Kasi pinapagana mo ang 5 senses ko.
  3. Agham ka ba? Kasi patuloy mo lamang akong ginagamit ng parehong paraan.
  4. Univocalism ka ata? Dahil “U” lang ang tunog ng puso ko.
  5. Sabihin  mo na sa akin kung anong klaseng sining ka… Dahil hindi ko talaga maipaliwanag kung “paano ka naging maganda”.
  6. Alam mo, aanimin, wawaluhun, at lalabindalawahin ang paborito kong sukat. Bakit? Kasi alam kong pares ang pantig ng puso natin.
  7. Tulang moderno ka ata… dahil handa akong wasakin ang lahat ng tradisyon at panuntunan para lamang makasama ka.
  8. Pagong ka ba? Dahil hindi ko talaga maintindihan ang relasyon ng intention at dialogue mo.
  9. Prosopopeia ka ba? Dahil pinapasigaw mo ang puso.
  10. Pikhukhu ka ba? Dahil wala ka naman talagang kahulugan sa akin eh.
Comments

Salita ng Taon: Pika-ap

Mga Pilipino talaga, mahilig talaga mag-joke time kaya hindi na ako nasurpresa nung nalaman ko na


“pika-ap” ay isa sa mga iminungkahing Salita ng Taon. 

Ayon sa ispeaker, may pitong klase ng pika-ap:

1. Hirit/Banat:

“Buti pa email, may attachement.”



2. Cheesy:

“Parang wala ako sa sarili ko, siguro nasa iyo ako.”



3.Patama:

“Straw ka ba? Kasi sipsip ka na, platik ka pa” - Merriam Defensor



4.Usapang Bastos:

(From http://pinoypickuplines.tumblr.com)


        Sinabi rin ng ispeaker na nakakatulong ang pika-ap sa pagpapacute, pagpagpapapansin, at


pagpapasalita. Ito’y nagiging basag o “icebreaker” at nakakatulong magpapansin.


Simple lamang ang pika-ap, lahat ng tao ay makakagawa nito. Dahil dito, “pika-ap” ay gustong


gawing Salita ng Taon.

Comments

Disclaimer: Paumanhin ang maling grammar o hindi pagsunod sa “checklist” sa blog na ito.

Confessions of a Fil 11 student.

Mahirap ang aking klase ko sa Fil 11.

Sa ngayon, gusto ko lamang mag “rant out”.

Binuhos ko ang lahat ng aking galing sa aking unang blog para sa Fil 11. Binigay ko ang akin lahat ng makakaya sa blog na iyon. Excited ako noong ipasa ko at naghintay ako ng matulin para sa resulta.

Ang una una kong blog kung saan meron akong mataas na expektasyon ay binagsak. :(

May nakasulat na “hindi sumusunod sa checklist” at pinaribisa.

Wala pang 30 mins, ay naribisa ko na toh at sinend mulit, ngunit pagkatapos ng isang linggo, lumabas ulit ang resulta…. BAGSAK.


Dahil dito, nawalan na ako ng gana magblog. Ang lahat ng binuhos ko, ang lahat ng pinaghirapan ko ay binalewala.

Nawala ang motibsyon ko para magblog, at sa mga sumusunod na linggo, hindi ko na binigay ang parehong pagsisikap sa mga sumusunod na blog.

Ngayon, tatlong linggo nalang bago matapos ang sem. Tatlong linggo nalang para makablog.

Kung babalik tanaw ako ngayon, naiisip ko ang lahat ng nasayang ko na oras. Lahat ng mga sayang na blog dahil pumayag ako na maikontrol ng aking pagkabigo. Kung tutuusin, ang pagkabigo na toh ay dapat makatulong sa akin gumaling, ngunit hindi ko ‘to binigyan ng pagkakataon.College na ngayon, hindi na pwede ang ganitong pagtingin sa buhay. Kung tutuusin, ang college ay nandito para paghandain tayo para sa totoong buhay, at hindi it pwedeng gawin sa totoong buhay. 

Sa natitirang 3 weeks, ibubuhos ko na ang lahat ng aking makakaya sa mga naiwan na blog. 

Heto na ang wakas, heto na ang aking pagkakataon.

Comments

HAHAHAHA. HEHEHEHE. HIHIHIHI. HOHOHOHOHOHO.

Nakuha kita sa huling ‘yun noh! Akala mo ako si Santa Claus, PWES, hindi.

Pasensya na sa mababaw na joke. Heto na talaga, ang “seryoso” kong blog.

Mahilig tumawa ang mga Pilipino. Kilala tayo sa buong mundo bilang isang bansang parating ngumiti. Pero bakit nga ba tayo ganito?

Hindi ako magsisinungaling, naninirahan tayo sa isang bansang naghihirap at nalulunod sa utang. Kabilang na rito ang korupsyon, polusyon, at gutom na nararanasan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, ‘di tuloy sila nakakaipon para umahon sa kahirapan. Hindi sila nabibigyan ng sapat na pagkakataon para umasenso.

"Mahirap sa buhay, mayaman sa tawanan." Ito ang motto ng maraming Pilipino. Kung iisipin mo, mas madali naman nga mabuhay kung parating nakangiti. Bakit ka pa magmumuni-muni at mag-eemo sa hirap ng buhay? Chos, ngumiti ka nalang.

(http://www.facebook.com/photo.php?fbid=495258363822248&set=a.146055052075916.28612.146053572076064&type=3)

Ngayon, Augusto 19, 2011, ay nagmamarka ng 40th day anniversary ng pagpanaw ng ating Comedy King na si Dolphy. Siya ay nagsilbeng bilang ilaw sa dilim para sa maraming Pilipino. Naaalala ko noong ako’y isang binata, pagkatapos ko maghirap sa pag-aaral, sabik na sabik akong umuwi dahil manunood ako ng “Home Along the Riles”. Salamat, Tito Dolphy, dahil tinulungan mo ako at marami pang mga Pilipino na tiisin ang hirap ng buhay habang tumatawa.

Ang ngiti ng isang Pilipino ay hindi lamang isang simbolo ng kasiyahan, ito ay isa ring sagisag ng lakas sa kabila ng kahirapan ng buhay. 

Ngumingiti ang Pilipino dahil naniniwala sila na may bukas pa.

Ngumingiti ang Pilipino dahil may pag-asa pa sila.

Comments
PHOTO
∴ REBLOG

Picture by Inquirer

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Malamig ngayon

Sa kama’y nakahiga

'Di na babangon.

Comments

___/\__/\_____/\_____

*beep* *beep* *beep*

_____/\_____/\____

*beep* *beep*

_______/\_____

*beep*

_______________________

*beeeeeeeeeeeeeeeeeeepppppp*

“FLAT LINE!”

“DOC, ano na gagawin natin?”

“Wala na tayong magagawa. Ang buhay niya’y nasa kamay na ng tadhana.”

“Flat line na, Doc”, ang huling narinig ko. Flat line… ano nga ba ang ibig sabihin nito?

Teka nga, bakit ang dilim? Bakit di ko mabuklat ang aking mga mata?

Ano ‘toh? Nasan na ‘ko?UGH. Ang sakit talaga ng ulo ko.

Patay na ba ako?

PATAY NA BA AKO?!?!?!

*twing* 

May ilaw na lumitaw sa gitna ng kadiliman.

Sa sobrang silaw ng liwanag, napapikit ako.

Dahil wala na rin akong magawa, naglakad ako patungo sa liwanag.

Ang makikita mo lang sa dulo ay isang pinto. Sa taas nito ay may isang malaking bilboard na may nakatatak na “Tartarus”.

Huminga ako nang malalim, at lumusob patungong Tartarus.

Apoy. Pinalibutan ako ng katakot takot na apoy. Walang langit, walang halaman, at ang makikita mo lang na kulay ay pula, itim, at mga kulay sa gitna ng pula’t itim - mapapaisip ka tuloy kung gawa lang ng isip mo ang ibang mga kulay tulad ng asul, berde, at puti.

Nahilo ako. Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako. Ano kaya kung matulog na lamang ako…

Sa sandaling ‘yon, may bigalng kumalabit sa balikat ko. Biglang sumulpot ang isang lalaking kulay pula ang balat, may mga sungay, at nakasuot ng Armani.

Binati niya ako, “Ola, Ni Hao, Buenos Dias, Magandang gabi bayan! Ako ang hari ng mundong ito. Ako ang gwapong, mayabang, at makapangyarihang Hades.”

Sa laking gulat at takot, napatulala lang ako sa kanya. Tila nanigas ang aking buong katawan at nanghina ang aking mga paa. Sa sandaling iyon, nakalimutan ko kung anong nangyari sa akin at kung nasaan ko. 

“Sir Hades, bakit po ba ako nandito?” Nanginginig ang aking boses nang tinanong ko itob.

“Isa sa mga sumusunod na dahilan lang ang maari. A: Namatay ka na. B: Nag-apply ka ng trabaho dito at C: Nakaupo ka at sinasagutan mo ang Fil 11 diagnotic test. Kadalasan ang sagot at A dahil ang B ay para lamang sa mga aswang at ang C, wala na tayong magagawa, ganun talaga ang Ateneo. Wag kang magalala, hindi mo pa Raw panahon. Sabi Niya mayroon kang tatlong pagkakataon para magtanong ng kahit ano habang ika’y narito. Kapag tapos ka na, ibabalik na kita sa mundo mo. Sige na, magtanong ka na.”

“Ano, pa, ang ibig mong sabihin ng “hindi ko pa panahon?” Hindi pa ba ako patay?”

Napayuko si Hades, “Hindi ko masasagot ang tanong mo. Ikaw lamang ang makakasagot niyan. Next question.”

Kahit hindi niya nasagot ang aking tanong, masaya pa rin ako na mayroon pa akong pangalawang pagkakataong mabuhay sa mundo.

“Bukod sa paghahari ng mundong ito habang nakasuot ng Armani, ano pa ang trabaho mo?” ito ang aking pangalawang tanong.

“Hmm… Bata, madali lang ang trabaho ko. Ang ginagawa ko lang sa buhay ay tumutukso ng mga tao. Sa mundong kinagagalawan mo, napapalad ng bisyo, pera, at kaligayahan ang utak ng mga tao - kaya ang dalidali silang tuksohin. Nagsisimula ito sa mga nangungurakot na mga opsiyal niyo sa gobyerno at nagtatapos sa mga buwayang mga tanod sa daan. At kung puno ng kasalanan ang buhay ng isang tao ‘pag namatay siya, dinadala ko sila rito para maging alipin ko. Bwahahah! Kailangan ko ng bagong tagalinis ng sapatos, gusto mo sayo na ang trabahong iyon?”

“Wag na po. Sige, naiinitan na po ako. Gusto ko na umalis. Ang pangatlong tanong ko ay may kalangitan ba? Pwede pa ba akong makapunta sa heaven?”

*Sigh* “Bakit yan pa tinanong mo?! Natatakot ako sa tanong na yan. Ayaw mo ba itanong kung bakit ako nakasuot ng Armani? HAY… Sa totoo lang, ikinalulungkot ko, pero ang Diyos ang may kapangyarihan sa lahat. Pero alam mo, may sikreto ako, nagkakaroon ako ng kapangyarihan sa mundo dahil pumapayag ang mga tao na magamit ko sila para sa kasamaan. Bwahahaa. Kung ang puso nila ay puno ng kadiliman, akin na sila. Pero, may mga taong malinis ang kalooban, mabait at, maka-Diyos. Yun yung mga taong hindi ko mahawakan. Sila ay nasa proteksyon ng Hari sa taas. HAY. Nakakainis nga eh, pero ganun talaga. Kung mabait ka, sa kanya ka; aakyat ka sa kalangitan, pero pag masama ka… AKIN KA. Sige, tinatawag ka na ng katawan mo.

“Babalik na ako?”

“Oo. Binibigyan ka ng Hari ng ikalawang pagkakataon na ayusin ang buhay mo. ‘Wag mong kalimutan ang mga sinabi ko sayo hah! Kung hindi, magkikita ulit tayo dito.”

Tinuro ni Hades ang daliri niya sa akin at biglang hinigop ako ngisang malakas na buhawi.

“Sandali?! May tatanong akong importante?!…… Bakit ka nakaArmani?!”

“HAHA. Ubos na ang mag tanong mo. Magkwento nalang tayo kung bumaik ka rito. Kita kits nalang.”

Hinigop na ako ng tuluyan.

……

______/\_____

*beep*

_____/\_____/\_____

*beep beep*

Comments

___/\__/\_____/\_____
*beep* *beep* *beep*
_____/\_____/\____
*beep* *beep*
_______/\_____
*beep*_______________________*beeeeeeeeeeeeeeeeeeepppppp*

"FLAT LINE!"

"DOc, ano na gagawin natin?"
"Wala na tayong magagawa. Ang buhay niya ay nasa kamay na ng tadhana."
"Flat line na, Doc", ang huling narinig ko. Flat line… ano nga ba ang ibig sabihin nito?
Teka nga, bakit ang dilim? Bakit di ko mabuklat ang aking mga mata?
Ano ‘to? Nasan na ‘ko?UGH. Ang sakit talaga ng ulo ko.
Patay na ba ako?

PATAY NA BA AKO?!?!?!

*twing*May ilaw sa gitna ng kadiliman. Sa sobrang silaw ng liwanag, napapikit ang aking mga mata.

Dahil wala na rin akong magawa, naglakad ako patungo sa liwanag.

Ang makikita mo lang sa dulo ay isang pinto. Sa taas nito may nakatatak na “Tartarus”.

Huminga ako ng malalim, at lumusob patungong Tartarus.

Apoy. Pinalibutan ako ng katakot takot na apoy. Walang langit, walang halaman, at ang makikita mo lang na kulay ay pula, itim, at mga kulay sa gitna ng pula’t itim. 

Nahilo ako. Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako. Ano kaya kung matulog na lamang ako…

Sa sandaling ‘yon, may bigalng kumalabit sa balikat ko.May isang lalaking kulay pula ang balat, may mga sungay, at nakasuot ng Armani na biglang sumulpot.

Binati niya ako, “Ola, Ni Hao, Buenos Dias, Magandang gabi bayan! Ako ang hari ng mundong ito. Ako ang gwapong, mayabang, at makapangyarihang Hades.”

Sa laking gulat at takot, napatulala lang ako sa kanya. Tila nanigas ang aking buong katawan at ang aking mga paa ay hindi ko magalaw. Sa sandaling iyon ay nakalimutan ko ang nangyari sa akin at kung nasaan ko. 

"Sir Hades, bakit po ba ako nandito?" Nanginginig ang aking boses nang tinanong ko ito, sa wakas.

"Isa sa mga sumusunod na dahilan lang ang maari. A: Namatay ka na. B: Nag-apply ka ng trabaho dito at C: Nakaupo ka at sinasagutan mo ang Fil 11 diagnotic test. Kadalasan ang sagot at A dahil ang B ay para lamang sa mga aswang at ang C wala na tayong magagawa, ganun talaga ang Ateneo. Wag kang magalala, hindi mo pa raw panahon. Sabi Niya mayroon kang tatlong pagkakataon magtanong ng kahit ano habang ika’y narito. Kapag tapos ka na, ibabalik na kita sa mundo mo. Sige na, magtanong ka na."

"Anong ibig mong sabihin na hindi ko pa panahon? Hindi pa ba ako patay?"

Napayuko si Hades, “Hindi ko masasagot ang tanong mo. Ikaw lamang ang makakasagot niyan. Next question.”

Kahit hindi niya nasagot ang aking tanong, masaya pa rin ako na mayroon pa akong pangalawang pagkakataong mabuhay sa mundo.

"Bukod sa paghahari ng mundong ito habang nakasuot ng Armani, ano pa ang trabaho mo?" ito ang aking pangalawang tanong.

"Hmm… Bata, madali lang ang trabaho ko. Ang ginagawa ko lang sa buhay ay tinutukso ang mga tao. Sa mundong kinagagalawan mo, napapalad ng bisyo, pera, at kaligayahan ang utak ng mga tao. Kaya ang dalidali silang tuksohin. Nagsisimula ito sa mga nangungurakot na mga opsiyal niyo sa gobyerno at nagtatapos sa mga buwayang mga tanod sa daan. Ang kung puno ng kasalanan ang buhay ng mga tao kapag namatay siya, dinadala ko sila rito para maging alipin ko. Bwahahah! Kailangan ko ng bagong tagalinis ng sapatos, gusto mo sayo na ang trabahong iyon?"

"Wag na po. Sige, naiinitan na po ako. Gusto ko na umalis. Ang pangatlong tanong ko ay may kalangitan ba? Pwede pa ba akong makapunta sa heaven?"

*Sigh* “Bakit yan pa tinanong mo?! Natatakot ako sa tanong na yan. Ayaw mo ba itanong kung bakit ako nakasuot ng Armani? HAY… Sa totoo lang, ikinalulungkot ko, pero ang Diyos ang may kapangyarihan sa lahat. Pero alam mo, may sikreto ako, nagkakaroon ako ng kapangyarihan sa mundo dahil pumapayag ang mga tao na magamit ko sila para sa kasamaan. Bwahahaa. Kung ang puso nila ay puno ng kadiliman, akin na sila. Pero, may mga taong malinis ang kalooban. Mabait at maka-Diyos. Yun yung mga taong hindi ko mahawakan. Sila ay nasa proteksyon ng Hari sa taas. HAY. Nakakainis nga eh. Pero ganun. Kung mabait ka, sa kanya ka at aakyat ka sa kalangitan, pero pag masama ka… AKIN KA. Sige, tinatawag ka na ng katawan mo.

"Babalik na ako?"

"Oo. Binibigyan ka ng Hari sa taas ng ikalawang pagkakataon na ayusin ang buhay mo. ‘Wag mong kalimutan ang mga sinabi ko sayo hah! Kung hindi, magkikita ulit tayo dito."

Tinuro ni Hades ang daliri niya sa akin at biglang hinigop ako ngisang malakas na buhawi.

"Sandali?! May tatanong akong importante?!…… Bakit ka nakaArmani?!"

"HAHA. Ubos na ang mag tanong mo. Magkwento nalang tayo kung bumaik ka rito. Kita kits nalang."


Hinigop na ako ng tuluyan.

……

______/\_____

*beep*

_____/\_____/\_____

*beep beep*

Comments

TEST BLOG FOR FIL 

Comments